I wish to..

I have been thinking of so many things lately. I have been dumped with so many work load. I do have my academic project due on December 4. I still have a freelance job dated last week of November. Despite of these, I know I can manage to work over it and finish it as soon as possible.
Aside from those works I have right now, I also do think of my life. All of us should have “life” for our own, and I don’t think I have one for now. Wish I could spend time, chill out, hang out. I miss those days were I am a student which after class I have time to party, drink a little, relax, movie trip with friends, hang out somewhere. Why when I almost got out of the academe I had no time for myself now. Anyway highway, another thing I am out of is the thing called love. How I wish to have someone over, do some sweet moves, go out and enjoy each others company. I do actually have a girl which I like, thinking of possible act that I will do maybe nextweek. hhmm.. I don’t want just a simple act of giving stuffs to her and go out of the scene. That’s so lame right? Anyhow, what can I possibly do with her nextweek?

 

I wish, I wish. I pray, and pray that one day I may hear your voice saying yes to me. Oh how sweet if I got that, but I’ll be working on you first before that may happen. If I had one wish, that would be having you in my life. If I had one wish, that would be living with you in one house, full of dreams and aspirations…

I don’t wanna say the magic word, cause I know you wouldn’t see this post. I just want my actions to interpret what I feel for you. I do purple, I do love you..

 

end

I say Thank you!

 

Dear ,
How are you? Well, this wasn’t a palanca that I promised you. I will not be on season if I’ll give you one. I am thinking of writing a simple letter for you thanking you for the things you’ve done for me.
For the past 2 years we’ve been friends you’ve shared CRM in JRMB’s life. Once in my life you’ve been the purple of my eyes. Once in our lives we’ve shared laughters, kakulitan together. I cherish every moment I have with you. With that please accept a simple token from me thanking you for all things you’ve done for. :)
Take good care of yourself, God Bless you +
I love you and will always do,
Joseph

 

Purple Ribbon

This day is a good day. Its actually started late afternoon. I didn’t expect I would think of doing this sweetness I call. For I actually spend few pesos just to make a girl smile at me.

 

About five in the afternoon, I asked someone to get few papers I need for graduation, one of these is this girl. This not an ordinary act that I usually do for a girl but this one is a bit special. Yes, I admit it she’s special. I love her since we first met but I haven’t told her what I feel about until this day comes. No words even actions can express what I feel for this girl. Until I got this simple yet perfect day to ‘propose’. I had to get a cake care of Red Ribbon, a simple well lets just say

uncompatible card though. I put some words inside, sealed it and thats it! yay~ I remember when I did something like this few months prior to this date. Anyhow, I don’t want release it again as past is past na. So back, as I am saying earlier the day is perfect, eventhough she didn’t got something for me but still I got a part of her, and its her time. With the help of my bestfriend I got the moment. Yay~ swweeett!

 

Hay, it shouldn’t be my priority this day yet I guess that counts as one of. It was an ohhlala day, wish for more and probably get a chance, you know..

Isang Ondoy ka lang

Love one another as I have loved you, ito ang tema ng selebrasyon kanina sa simbahan. Sabi nga ito raw ang pang labing isang commandment na iniatas ng Diyos sa atin. Sa ebanghelyo

nga kanina binasa ang istorya ng mabuting Samaritano na nagalay ng kanya mabuting loob sa kapwa, tamang tama sa sitwasyon na mayroon ang bayan natin ngayon. Sadyang itinakda ang

bawat araw na nangyayari.

Masasabi natin na isa na sa kinatatakutan nating mga Pilipino ay ang mga paparating na bagyo. Kahaling ng ating takot ang mga trahedyang minsan nang sumakop sa atin. Noong una,

napapanood ko lang sa TV ang mga taong nasalanta ng bagyo umaakyat sa bubong at naninirahan dun ng ilang oras o araw. Hindi ko lubos maisip na minsan sa aking buhay ako rin ay

magiging biktima nang ganong insidente.

Sabado ng umaga, una akong kinatok ng aking tatay para magtaas ng gamit. Naririnig galing sa aming bubong ang lakas ng patak ng ulan ngunit wala sa aking isip na ito’y magdadala ng

isang matinding baha sa aming lugar. Sanay na kami na kahit gaano na katindi ang ulan hangga’t hindi nagpapalabas ng tubig ang dam malapit sa amin ay hindi kami babahain. Hindi na namin

alam sino ang sisisihin marahil talagang ang insidenteng ito ay likha ng tao na. Nakapag-agahan pa kami nung araw na iyon habang umuulan sa labas. Kampante kami na hindi kami babahain

at tila nanonood pa ng TV ang aking mga magulang habang pinagmamasdan ang kalye. Bandang alas-siete ng umaga ng kami nagulat at ng may nakausap ang aking tatay na mataas na ang

tubig sa tabi naming subdibisyon. Agad kaming nagtaas ng gamit at madali namin itong iniakyat sa kanya kanya nilang lugar. Alam na naming hanggang saan ang magiging baha sa amin pero

nagulantang kami ng hindi lang dun sa minarkahan namin. Ang dating namin pinaglalagyan ng gamit ay tila nabago. Una nalang namin sinalba ang mga gamit na tila importante at kailangan

namin. Mayroon nga kaming nakalimutan na at nasalanta nalang. Una kong sinalba ang aking buhay, ang aking laptop. Bandang 11:30 nang wala na kaming magagawa kundi isalba nalang

ang aming sarili, mataas na rin ang baha sa aming baha na tila hindi tumitigil sa pag agos. Buti nalang at andun ang aking tatay na ginamit ang kanya pagka seaman at nagtali ngayon sa

dalawang poste ng aming bahay para kami ay makapunta sa bubong. Habang pinapanood ko ang agos ng tubig, labas pasok sa aming bakuran hindi ko lubos maisip na minsan nanonood lang

ako ng TV at nakikita ko mga taong asa bubong na ngayon isa narin ako sa biktima ng isang trahedya. Halo-halo ang aking nararamdaman noon, halong lamig, poot, takot, at kung ano pa

man. Blangko ang aking utak hindi lubos mawari kung anong klaseng pagsubok ang pumasok sa amin. Buti nga kamo naaalala ko pa ang bawat minutong nangyari sa amin. Alas siete na ng

gabi nung inisip kong bumaba na sa aming bubong. Ako’y lamig na lamig na noon na ang tanging balubal ko lang ay ang aking basang damit, isang payong at shower curtain. Sabi ko pa nga

sa sarili ko, hala! hindi ba’t ala una palang bakit biglang dumilim? Pero sa pagakyat ko sa aming kisame at pagkatingin ko ng oras ay alas siete na. Mataas parin ang baha sa aming bahay

kaya’t ang ginawa ko ay dun ako nagpalipas ng gabi sa aming kisame. Kasama ko ang aming laptop, cellphone, gitara at iba pang gamit pang construction. Bilib nga sa akin ang aking Tatay

dahil hindi raw ako natakot sa taas sapagkat madilim at hindi mo masabing may tutuklaw sa iyong kung ano. Matagal kumati ang baha, inabot ito ng 6pm ng Linggo nung totally bumaba

yung baha. Unang inisip namin paano kami kakain, kaya nung tanghali lumabas kami nung Tatay ko at naghanap kami ng mabibilhan buti nalang meron nagtinda sa labasan at buti kamo sa

main road ng subdivision namin. Laking pasalamat ko sa Diyos hindi kami pinabayaan sa bawat minutong dumating noong mga oras na kami lubog. Grabe.. kaya nung oras na kumati na yung

baha agad ko nilabas yung mobile ko at nagtext ako. Dami ng mga nagtext sa amin at nagtanong anong balita sa amin. Walang minuto nung paglabas ko tumawag agad si Tita Perl at

kinumusta kami, binalita na nga niya mga damdamin nila nung wala silang communication towards us. Pati nga kamo si Joe Taruc ng DZRH pinapage kami. Hindi niyo natatanong malayong

kamaganak namin si Joe taruc kaya ganon nalang rin pag-page niya sa amin. May nagsabi nga sa akin na pinaparescue na daw kami sa rescue teams kaso iba ata narescue, yung

kapitbahay namin. nayahah!

Noong nabuksan na ang mga daanan papunta sa amin agad dumating ang mga rescue namin, Unang dumating mga tita ko sa Makati tapos tito ko. Tapos ayun na yung mga tao galing sa

Gapan. Umaapaw yung tulong na natatanggap namin. Hindi ako makaiyak noong nababasa ko mga texts nila, noong naririnig ko mga kwento nila, noong naririnig ko mga boses nila habang

binabanggit nila ang bawat salitang iyon. Meron pa ngang hinihingi yung account number namin para magdeposito ng kaunting tulong daw nila. Grabe, ngayon habang ginagawa ko itong blog

na ito nababasa ko yung efforts ng mga kaibgan ko noong Highschool. Hindi lang sila natuloy sa bahay gawa ng bumagyo pero kung tutuusin nakakasa na yung mga yun sa amin.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakabanggon sa banungot na dinala ng bagyong Ondoy sa amin. Nagsisilbi paring multo sa aming paningin ang hapdi ng paghagupit nito sa aming

buhay at ari-arian. Unti unti akong naghahanap ng paraan upang makaalis sa delubyong hindi lang pang pisikal kundi ang emotional. dapat nga ay bibisitahin ko ang kaibigan kong pari

ngayon sa Don Bosco upang sumangguni ngunit hindi ata umaayon ang panahon at kailangan ko ulit bumalik sa aming bahay sa Cainta. Marahil kami pa ay maswerte dahil marami parin sa

aming kagamitan ang nasalba tila puro papel at kung ano ano lang plastic ang nakita kong naitapon namin. Pero ang trahedya parin ito ay nakakabit na sa aming alaala na kung hindi namin

lilisanin ang pook na iyon ay patuloy itong magmumulto sa amin.

Hindi na isang pasalamat ang ginawa ko, hindi na isang iyak ang iniluha ko sa pagpapasalamat at kung paano nila pinalambot ang puso ko. Sa bakas ng trahedyang ito ay ang isang mistulang

isang lupon ng kaibigan at pamilyang nakaalalay sa iyo habang ikaw ay bumabangon. Minsan ko narin nasabi, makikita mo ang tunay mong kaibigan kung kailan kailangan mo ng kanilang

kamay upang umalalay pabalik at makatayo ulit. Dito ko ngayon nasubukan ang katatagan ng kaibigan, dito ko ngayon nakita ang mga handang magalay ng buhay, dito mo ngayon makikita na sa bawat putik na iyong kinadapaan mayroon at mayroong kaibigan/kapamilya/kabarkadang andyan aalalay sa iyo. Marahil ito narin ay isang pagkatok sa atin, asaan ka noong kailangan kita? Asaan ka noong naghahanap ako ng kalinga? Nagsilbing Samaritano ka ba? O hindi kaya’y Levitano na dumaan nalang basta sa tabi ng nangangailangan.

Sa panahong ito, may iisang pinapahiwatig ang Diyos sa atin, mga Kristyano tayo, Pilipino magtulungan tayo. Ano man ang lahi natin, ano mang kulay ng balat natin, ano mang nation nabibilang may iisa naman tayong Diyos at ang Diyos natin nagsasabing mahalin mo kapwa mo. Sa panahon ngayon, marami parin Samaritano sa bayan, Samaritanong handang magbuwis ng buhay para sa kanya kapwa, hindi naghahanap ng ano mang kapalit.. ganon ka ba? tingin mo?

-Joseph Buluran

Ondoy

Ondoy

Endings? no way!

Gosh! I am actually making up with my unfinished blog that I have gone through crush’s blog that let me laid back unto my seat. Oh I am not actually graduating soon that I guess you’re thinking now, though I ever feel of endings.

I personally hate ending, whether it’s in movies, novels, storybooks, audio books and even on real life. I hate when I got into something and suddenly due to time it will end. And now I had this question rumbling my mind all the time, why is it everything comes to an end? Well, sorry to say but even life will end? Let’s just stop bringing faith here first, all people know about God gave us life from ash we are made and from ashes we fall. Think, with just a snap of Gods finger everything can vanish. Back off to what I should be saying now.

Actually, before I’ve gone through my last term in Benilde my psyche at all times go and think of these endings. I usually imagine myself going to PICC plenary hall with my batch mates and friends in college [well, from different colleges/schools] going up the stage, getting our diploma while we were dress for the event. At end of the ceremony people [graduates] do is release their hats in the air and shouts for joy and will be off to where they will continue their celebration. I think, “nabati” ata ako. Yay~

Hay! Parting ways is difficult to bear, its difficult most probably because you took 3 years together in the academe, “caring” for each other, we also include you have loved each other. But we can’t do anything but simply go on with the flow of life. You can be friends forever but you can’t be with each other forever, right? Well, exceptions happen. I wonder if we would be lovers soon. Hhmm… can you answer this Miss?  Har har!

Anyway, that’s all for my blog!

[I actually ran out of words to say, I'm not in the mood anymore]

Patay na Pag-ibig

Isang umaga ako’y nagising
Naalala ko ang nakaraan natin
Nanaginip ako na ika’y akin muli
Ngunit namulat ako na ika’y binawi

Lumipas ang dalawang taon
Noong tayo’y unang magkakilala
Nananabik sa bawat oras na sumapit
Umaasa na ika’y habang buhay na makakamit

Buhay ko’y bumagsak panahong mawala ka
Sadyang nagalumihanan sa mga sinambit mong letra
Hindi makatulog sa bawa’t gabing sumasapit
Ang alaala mo’y tumatakbo sa aking isip

Nagpakatanga ako sa iyo aking sinta
Naiisip ko ako’y iyong pinaasa
Sadyang ganong nalang ba ang buhay kong ito
Nagmamahal ng taong manhid tulad mo

Ngayong mga oras na wala ka na
Hindi na ako umaaasa pa
Na ika’y maging akin magpakailanman
Sapagkat ika’y nasa piling nang yong giliw

Pag naaalala ko ang aking nakaraan sa iyo
Natatawa ako dahil nagpakatanga ako
Nababanggit ko man ang istoryang ito
Pero para sa akin patay nang tulad mo

Starry

by: Joseph Buluran

In the wake of those starry skies
Secretes my silent cries
Emotions fell to wobbly grounds
Challenges in life we have been through
In search of true happiness comes
In this weary life we are within
When will we face those realities of life

my first day of blogging, again

I’ve been absent in the blogging world since year 2009 was created by God. I though I can manage to blog anytime but I failed. So then, this was my first time that again open my blogging platform, wordpress and start my own blog AGAIN.

First day? I actually tapped Mc Donalds wi-fi in Ortigas while I am having my breakfast. I arrived in Ortigas a bit early and that I decided to have a zip of eight-o-clock orange and bite some Sausage Mc Muffin while waiting for our ojt office to be open. Think, I am here blogging 0640H and our office will be open at around 0800H-0830H, so I’ll be staying here in the wifi center for about 2hours :) yeahey~ I actually don’t want to go to office now that I found that working in the office is so boring. I am doing this just for the so-called requirements in school enabling us to work in the industry about 300 hours. At first I am so excited working in our company here in Ortigas but then I realized that I am not at “fun” anymore that i don’t want to do my work anymore. Any reason? yes I have. I am expecting something more in their system. I honestly hate slow connections in the internet, database servers, ftp servers, and all things that comes so slow that will even bore you to death.

Anyhow, I have a couple of things to do in the office and in the academe that I should cope up with that. We are a bit late in terms of development on our thesis and were about late on our development in the office. I want to spearhead the development on both side that I don’t even know where to start. :( I want to be a leader that is patient, I want to be a leader of service but how can I? :( (

That’s all for know I guess that I will be running out of words to say on my first day of blogging, again. nyahahahaha

Wednesday, out of place

It was a regular Wednesday that I had my first day of classes. Before hand I am planning to stay in Robinsons Manila after class to take my lunch, stroll a bit, and gaze into the big screen. But as I have called a friend early this morning, she will call me for a talk by 2pm so I chose not to see a movie anymore and might as well do my movie watching after the call. Robinsons Manila As I am riding the jeepney, I am pretty unconscious of what I am doing. I have two points that is battling inside my head. To go or not to go? I stayed in the jeepney as it bounds to Quiapo. Went off at the back of PCU and walked going through Robinsons Manila. “Yehey~ Atlast I am here”, I said as I am thinking of where to go. I saw a tarpaulin saying, “Job Fair, April 22-23, 2009 at the Atrium hall”. I planned going there after later as I board the escalator going somewhere. I am looking for mobile phones that I soon am using. I want a change, so then I want a phone that can be used for Wi-fi in which I really enjoyed having. I am thinking of purchasing a Nokia E63 or a Samsung OMNIA. I can cash out 27k in one day so I am looking for a zero interest credit.  Anyhow, after I got to see those mobile phones and Digital Cameras on shelves. I had my mouth swell with those gadgets, coz’ I’m a technology addict and I am looking for the right time to enjoy with those part-time gadgets around.  I took my lunch at Kenny Rogers. I ordered Roast Chicken solo A and BOTTOMLESS COKE ZERO, I repeat, COKE ZERO. When it was my turn to ask those around to refill it, first refill I got was a Regular Coke, next refill was Coke Light, next thing was ICED TEA, and lastly they got it right, COKE ZERO. I drank all of them; I am shy to let them refill it with the correct soda.  kewl right? Afterwhich, I had to go home as I saw outside, rain is pouring and not just rain but RAIINNNN… I decided to stroll more as I need to visit my friend. Ngayon ko lang narealize na kakaunti lang pala ang CR sa Robinsons Manila, naikot ko ang Robinsons Manila naghahanap ng CR dahil sa soda na ininom ko  At narealize ko na ang foundation ng Robinsons Manila. It was a big FHAIL~, yeah a big failure to the Architect and Engineers who designed the layout “scaffolds” of Robinsons Manila. You know why? First, I had to roam around the whole place just to look for a restroom. Next, as the rain pours hard, waters are coming in and out of the mall. As in out of the tiles and ceiling of Robinsons Manila. Big Failure for you guys, sorry to say. I smiled as I see helpers who are wiping the floor, dropping to their balde the water. [sorry, sadyang hindi ko lang maisip English ng balde]. I saw about 3 stops wherein they’re having the same work. Haha.  Anyway, after I got into the restroom, I went home as I went home, roads are pretty flooded as I looked for a non-flooded area which I walked. Cool experience, for me. Haha. That’s it!

Tawag niya

Hindi ko mawari kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Gusto ko magbigay ng reaksyon ukol sa kantang “still calls me son” na sadyang pumukaw sa akin ang kanyang isinasaad na letra. Dun nalang sa titulo mismo ng kanta, Still calls me Son na kahit na anong hapdi ng pagkadapa mo, kahit na anong kalokohan ang sadyang nagawa mo dito sa mundo meron pa kayang tatawag sa iyo upang bumalik sa kanya? Isang kaibigan na magliligtas sa iyo sa kapahamakan, isang kaibigan na sasaluhin ka sa iyong pagbagsak sa lupa, isang kaibigan na sadyang ibinuwis ang kanyang sarili para lang mailigtas tayo.

Sadyang maganda rin itong pagninilay sa buhay na ating tinahak na. Sa panahon ng Kwaresma inaalala natin kung gaano niya tayo kamahal. Yung tunay natin na kaibigan na kung saan kahit na anong sama ng budhi natin patuloy parin siyang tumatawag at binabanggit ang ating mga sariling pangalan. Naalala ko ang isang kwento ng isang pari noon sa Don Bosco. Ang tanging naibigay sa atin ng Dios na mismong masasabi natin na karapatan ay ang pagpapangalan sa atin. Ito’y ibinigay niya sa ating mga magulang na kung saan sila ang nagbigay sa atin nga ating mga pangalan. Yun narin ang magsisilbing pangalan natin pagharap sa kanya.

Biruin mo siya na nga yung makapangyarihan siya pa may ganang balikan tayo, tawagin tayo muli kahit na gaano na tayo kasama sa mundo. Kaya isang pilosopiya na aking sinusundan ay ang paniniwala na kahit gaano kasama ang tao mayroon at mayroon parin natitirang mabuting asal sa taong ito. Hindi mo nga lang pansin pero tanging lalabas lang ito sa least possible na event sa buhay.

Ngayon, mabuting tignan natin at iassess natin ang ating mga sarili sa kung ano na ba ang ating relasyon sa ating Diyos. Gaano ba tayo kalapit sa kanya? Baka napapalayo na tayo at ngayon tinatawag ulit niya tayo upang bumalik sa kanyang tabi. Marahil maihahalintulad natin ang ating sarili sa isang tupa na nawawala sa gitna ng pastulan, pilit sumisipol ang Pastol ngunit tayo’y nagbibingibingihan sa kanyang sipol. Marahil siguro ay kailangan natin ng malakas lakas na tawag galing sa kanya para maramdaman natin ang kanyang presensya.

Sa panahon ng kwaresma, magnilay tayo at tignan kung gaano na tayo kapalit sa Diyos. Panahon na rin na bumalik sa kanya, panahon na upang tayo’y sabihan na Kristiyano muli. Ngunit hindi lang naman sa panahon ng kwaresma na tayo’y matatanggap na kristiyano ngunit dapat natin itong gamitin sa pang araw araw nating buhay sa lupa. hanggang dito nalang ang aking munting blog para sa gabi. Maraming salamat sa pagbabasa.

Older entries »