masakit, mahirap, magulo, masarap
kung titignan ang buhay sa isang iglap
ngunit isang iglap lang ba ang kailangan
upang maharap ang tunay na kalagayan
pananampalataya ang unang nilalapitan
pag may problema na ang sino man
meron nga bang sasagot sa tanong?
kung ang Dios mo nama’y natutulog ngayon
lubhang mahirap pag problema’y dumating na
ngunit meron nga bang solusyon ang mga tala
Dios ko! bakit nga ba nagkaganoon?
itong buhay na aking inampon
kay hirap gumawa
pag problema’y paligid ligid
bakit nga ba nandyan?
bakit ka nga ba nasundan?
Araw at gabi ikaw ang nasa isip
hindi makatulog miski isang idlip
Buhay ko’y para saan pa
Kung ako’y suko na?
Hay nako, ikaw problema ka
Dala mo’y pagdurusa
Sa isang tulad kong walang kwenta
Hindi na malaman kung para saan pa



![13112009085[1] 13112009085[1]](http://farm3.static.flickr.com/2788/4173608507_cd25904f4d_t.jpg)
![13112009084[1] 13112009084[1]](http://farm5.static.flickr.com/4008/4174363228_2ca11e28bf_t.jpg)