Mahal, sana andyan ka pa
Marahil hindi mo ramdam na mahal kita
Ngunit gumagawa ako ng paraan para magmahal ka
Upang tayo’y magkasama na
Hindi ako nagpapakita na gusto kita
Pero hanggat maaari andyan para masilayan ka
ang isang anghel, sa aking alaala
Hindi kayang mawala sa piling ng isa
Mahal ko, tumingin ka
Pakinggan ang bawat sinasambit kong letra
Masilayan mo sana ang lihim kong pagnanasa
nawa’y pansinin na at bigyang hustisya
Mahal kita, mahal kita
Kita mo naman diba?
Kulang ang isang tula
para makita kung gaano na
Kailan kaya ika’y mapapasakin
Kailan kaya ako’y iyong papansinin
Kailan kaya makakamit ang tamis ng pagsasama
Sana’y makamit na sa isang pagkikita
Hindi ako naghahangad ng ano mang yaman sa mundo
Kundi ang isang matamis na oo
Galing sa bibig ng isang princesang tulad mo
Na mamahalin ko gumuho man ang mundo
marapatin mong ipadama ko
Ang pagmamahal ko sa iyo
Mahal ko ito lang ang hinihiling ko
dahil, ikaw lang ang ligaya ko



![13112009085[1] 13112009085[1]](http://farm3.static.flickr.com/2788/4173608507_cd25904f4d_t.jpg)
![13112009084[1] 13112009084[1]](http://farm5.static.flickr.com/4008/4174363228_2ca11e28bf_t.jpg)