Isa sa magandang nangyari ay nang makilala ka
hindi ako mapakali noong una kang makita
bawat araw ay hinihintay na
nagbabakasakali na ika’y aking makasama
Sandali palang ng una tayong maging magkaibigan
sa sandaling iyon isa ng magandang dahilan
upang ibigin ang isang tulad mo
na iiyakan ko sa taong mawala sa piling ko
sadyang ikaw lang laman ng puso ko
hanggang ngayo’y ‘di mawala sa isip ko
ang iyong mga ngiti na nagbibigay kulay
sa buhay na ito na wala ng buhay
buong puso ko’y iaalay ko sa iyo
dahil sa iyo na umiikot and mundo ko
sadyang ginawa ang buhay kong ito
para mahalin ang anghel na tulad mo
hindi pa malalim ang ating pagtitinginan
kung iisipin ito’y nasa unang baitang
sa isang mantinding pagmamahalan
na nagsisimula sa simpleng magkaibigan
hanggang dito nalang ang tula ko para sa iyo
sana ito ay magustuhan mo
tanging nailathala upang maipahayag ko
ang bawat salitang sinasambit sa harap mo



![13112009085[1] 13112009085[1]](http://farm3.static.flickr.com/2788/4173608507_cd25904f4d_t.jpg)
![13112009084[1] 13112009084[1]](http://farm5.static.flickr.com/4008/4174363228_2ca11e28bf_t.jpg)