Archive for buluran

Kaibigan, asan ka?

Pagkakaibigan ay ano nga ba?
Para sa atin noo’y nagkakasama
Parating nagkikita para mapasaya ang isa’t-isa
Parating kausap ano man ang porma

Laging naiisip pag nagkawalay na
Laging nasasabik na muling Makita
Laging nagnanais na bukas makasama
Upang puso’y muling tumibok na

Pusong tumitibok ano bang hangad
Pusong nagdaramdam ano bang hanap
Pusong umiiyak siya bang dahilan
Pusong bato bakit nagkaganyan

Saan ba hahantong ang pagkakaibigang nabuo
Kung tuluyang pagsasama’y unti-unting gumuguho
Kinalimutan na nga ba ang isang tulad ko
Isang kaibigan, ibubuwis lahat para sa iyo

Kung sasabihin mong hanggang salita ako
Hindi ako naghahangad na ako’y pakinggan mo
Ang tanging hiling ko lang na sana’y ibalik mo
Ang nakaraan natin na hinahanap ko